The Royal Punishment
Pano kung nagging Monarchy ang ating bansa?
Sa isang eskwelahan na pinapasukan ng mga mayayamang estudyante… matatagpuan si Jian, ang pinakamayamang estudyante sa hayskul sa Maynila! At ang kanilang aralin… ang proyekto nila aykung maging isang monarkiya an gating bansa, anon a kaya ang mangyayari? At nang araw din na yun, naisip na agad ni Jian ang gagawin.
Nagsimula ito sa isang babaeng puno ng tapang… handing lumaban para sa mga kababaryo niya! Siya ay walang iba kundi si Janella. Oo, siya nga! Kaya niyang ipagtanggol ang mga kababaryo niya sa mga tiga- Maynila… oo tama! Tiga Maynila! Galit siya sa mga taga Maynila dahil noong siya’y limang taong gulang pa lang, ay nasubaybayan na kung paano laitin at alipustahin ng mga taga Maynila ang mga probinsyanong katulad ng ama niya, at bukod pa doon, naipakulong ang ama niya ng walang dahilan. Pero ang amang sinasabi ko ay ang lolo niya... ;) hanggang sa paglaki niya ay dala-dala niya ito… sa eskwelahan sa tahanan at sa palengke! Oo hanggang dun! Siya lang ang inaasahan ng lahat… ngunit may isang bagay na magpapabago ng kanyang buhay… ano iyon? Subaybayan ninyo…
Tagpuan: Sa bahay nila (papunta na ng eskwelahan sina Janella at ang kapatid niya)
Janella: Mama, aalis nap o kami ni Darylle… bye na po!
Mga tao: Hay ate Janella…
Janella: Hello, bye na po sa lahat…
Darylle: Hoy ate! Akala mo naman kung gano ka kasikat! Sira!
Janella: Hoy din bruno! Tatawag-tawagin mo pa akong ate tapos ganyan din ang ugali mo!
Darylle: Nyeee….
Janella: Ewan ko sa’yo
Darylle: Baboy ka lang! Baboy!
Janella: Excuse me noh! Sexy ako! Ikaw nga… payatot!
Masaya naman talaga ang kanilang pamilya.. asaran lang iyan, din a mauuwi sa patayan!
Tagpuan: Eskwelahan
Sa eskwelahan… nangunguna doon ang magkapatid na Janella at Darylle.. o sa madaling salita, sila ang lagging top 1!
Jaila: Hay… hay… hay! Buhay!
Janella: Aba eh… ano bang nangyayari sa inyong dalawa? Ha?
Jaila: Ito kasing si Tim… masyadong traydora!
Tim: Hoy bruha ka… lokohin mo lelang mong bulok, hindi ako nangtraydor! Ikaw nga un eh!
Janella: Teka, wag kayong mag-away please… haaay, paano kung mamatay na ako? Ano na? Sino na lang ang magkakasama?
Tim: Ha? Naku! Sorry nasa’yo Jaila!
Jaila: Ha? Ako din sorry talaga ha!
Janella: (napabulong) hmmmpp… nakakaloka talaga oh! Bahala nga kayo!
Jaila: Alam mo may nami-miss ako!
Janella: Sino naman?
Jaila: Si Hershey!
Tim: Hay! Hindi k ba galit sa kanya Janella?
Janella: Kanino?
Tim: Kay Hershey!
Janella: Huh? Nakakatawa ka naman!
Jaila: Oo nga, kasi diba ayaw mo sa mga taga- maynila? Lalo na sa mga mayayaman? Tapos nanilbihan pa sa Royal Family si Hershey! Naku! Kung ako sa’yo!
Janella: Pwede ba, tantanan n’yo lang akosa bagay na ‘yan!
Jaila: Uy,, sasabihin na nga pala yung top natin!
Tim: Bruha hindi! May maglalaban-laban pa sa pwestongtop 1… at siguradong… kasama si Janella dun!
Janella: Sana! Para sa college, hindi na ako mahirapan at mas maging proud pa sa kin ang mama ko!
Jaila: Yehey… Bida ka!
Tagpuan: masayang-masayang umuwi sa bahay ang magkapatid sa dala- dala nilang balita!
Janella: Mama…
Darylle: Nanguna ka na naman baboy!
Ella: Pssst… nag-aaway na naman yata kayo! O bakit parangg abot hanggang langit yang ngiti n’yo…
Janella: Ahmmm… kasi,
Darylle: Nominated kami sa top 1!
Janella: Nanguna ka na naman!
Ella: Eh Di maganda! Naku! Ang tatalino n’yo talaga!
Janella:Syempre mama, mana kami sa’yo,
Darylle: Bakit? Baboy din ba si Mama?
Janella: Ewan!
Tagpuan: Sa School…
Classmate 1: Talaga? Wow! Saying di kami invited!
Tim: Oi, Jaila, nandiyan na si Prinsesa,
Jaila: Prinsesa Janella, hello!
Janella: Bakit?
Tim: What kind of answer is that naman, bakit question?… ahmmm kasi, invited ka rin sa Debut ni Hershey, sumulat lang eh,
Janella: Eh di sa Maynila iyan?
Tim: Ah ehh… oo! Ehe!
Janella: Sabihin na nating matalik na kaibigan ko siya, pero… di ko yata magagawang magtaksil sa mga kababaryo ko!
Jaila: Hay… kababaryo, kababaryo! Ano ba naman yan!?
Janella: Hmmmppp… bahala na nga! Kelan ba yan?
Tim: Sasama ka?
Janella: Try ko nga lang!
Jaila: Yehey! Yahoo!
Tagpuan: Bahay nina Janella…
Janella: Haaay… sasama ba ako o hindi?
Ella: Huh? Saan?
Janella: Wag na nga lang!
Darylle: Ate…
Janella: Hahay… sige na nga, total nami-miss ko na sya!
Ella: Anak…
Janella: Pero…
Ella: (sumigaw) Anak!
Janella: Ahy mama! Hehe!
Ella: Ano bang nangyayari sa’yo ha?
Janella: Kasi Mama, akatanggap kami ng imbitasyon galling kay Hershey eh… sa Maynila gaganapin, anong gagawin ko?
Ella: Eh di sumama ka!
Janella: Ako?! Sasama?! Hay mama, eh sana kung ganun lang kadali yun!
Darylle: Ang arte mo naman! Kung ayaw mo ng opinion ni mama, bakit mo pa sinabi ang probema mo?
Janella: Sa tingin ko tama si Darylle… ahmmm… sige! Sasama ako!
Pagkatapos ng mga sandaling iyon… ang pinakahihintay nilang pag-alis(Janella, Tim at Jaila) ay et na! Bigla itong napansinng mga kababaryo ni Janella…
Janella: Mama, mag-iingat ka ha! Ikaw din Darylle, kahit na makulit ka, mahal pa rin kita!
Darylle: Alam mo ate! Ang drama mo… ewan, ilang araw ka lang dun noh! Kaya wag mong isiping mami-miss kita!
Janella: Ha! Ang sama talaga ng ugali mo. Ahmmm sa inyong lahat… mag-iingat kayo ha! Wag n’yong pababayaan ang sarili mo! At ipanalangin n’yo din ako.
Extra 1: Huh?! Wala kaming pakialam sa’yo, total ikaw ang sumira ng pangako mo!
Extra 2: Oo nga… halika na alis na tayo, hindi ako interesado…
Janella: Sabi sa’yo mama, wag na eh…
Ella: Hayaan mo sila, kung talagang may tiwala sila sa’yo… hindi sila mang-gaganon sayo… sige na baka maiwan ka na!
Janella: Babay…
Labels: The Royal Punishment