Ella: Anak… mag-iingat ka ha, wag kang magiging makulit!
Janelle: Opo, promise! Kakain po ako araw-araw ng siomai!
…Pagpunta sa Maynila…
Janella: Ang laki nga pala talaga sa Maynila… kaya pala ang daming taong nahuhumaling na magpunta ditto, wow!
Hanggang sa daanan siya at itulak ng isang lalaking sinusundan ng napakaraming tauhan!
Janella: Aray! Napakaganda nga ditto… pero ang sasama ng ugali ng tao ditto…(nakakita ng bato at ipinukol sa lalaki) hoy…
Jian: Ahh… ang sakit nun ha!
Janella: Hoy ikaw mukang kumag! Sino ka at anong karapatan mong itulak ako ng ganun na lang ha? Ang kapal naman ng muka mo!
Jian: Ang lakas naman ng loob mong sabihin yan sa akin…(palapit sa muka ni Janella) Hindi mo ba ako kilala?!
Janella: (napaisip) Pri…pri… Prinsipe? Haa… ahh.. ha… wala akong pakialam kahit sino ka pa… kahit na prinsipe ka pa ng mundo! Aba! Tao ako, ikaw rin naman ha… natawag ka lang na prinsipe! Tandaan mo yan!
Jian: Tibay mo talaga noh!
Janella: Oo naman… bakit, iiyak ka na? (tinulak si Jian) Diyan ka!
Pagkatayo ni Jian… dali-dali itong sumakay ng kotse at habang naglalakad si Janella… bigla siyang natalsikan ng putik!
Janella: Ha! Magbabayad ka sa ginawa mo!!! Humanda ka… haaay… ang dumi! Naman! Tama lang palang magalit sa akin ang mga tao sa amin.. ang saklap pala ng buhay ditto… ha… hindi katangian ng prinsipe ang nasa mokong na yun! Ang sama ng ugali! (gigil na gigil)
Agad ngang hinanap ni Janella ang address na binigay sa kanya nina Jaila at Tim para tirahan nila sa 3 araw… at pagkita sa kanya nina Tim… agad itong nilapitan at tinanong!!!
Tim: kamusta naman ang paglakbay mo sa 7 bundok?
Janella: huh?… haaay… naku! Nagiinit lang ang ulo ko noh! Sa prinsipeng iyon? Hindi ko akalain!
Jaila: teka-teka… bago mo kami pag initan… ano ba ang nangyari?
Janella: napakahabang kwento! Inaantok ako… huhu…(pahiga na sana)
Tim: Waggg… ang dumi mo kaya! Kita mo puti ang hihigaan mo! Maligo ka muna!
Janelle: Oo…
Pagkalipas ng dalawang araw… nakahanda na ang lahat… nakabihis na sina Tim, Jaila at syempre si Janella… excited sila sa debut umano ni Hershey!
Jaila: Ano? Bilisan nyo kumilos… baka ma late tayo sa ball…
Tim: (tinapakan ang paa ni Jaila) uhmmm.. baka ma late tayo sa debut ni Hersh…
Janella: huh? Para kasing may narinig ako kay Jaila na ball eh…
Jaila: Ako?! Ahh.. haha… wala naman akong sinasabi ha! Sabi ko sa Debut!
Janella: Ganun ba baka na excite na lang ako sa debut… may gift ba kayo sa kanya?
Tim: Naku! Sabi ni Hersh kahit daw wala na… kaya di na kami bumili! Naku! Halika na!
Pagpunta sa paroroonan… nagtaka si Janella kung bakit nasa isangpalasyo sila… ang palasyo palang iyon ang palasyo ng Royal family… hindi ito agad na sinabi nina Tim at Jaila… hindi agad sinabi ang balak nito na isali Janella sa ball princesses… kaya pagpasok niya sa palasyo… bigla itong nagulat!
Janella: ha?! Nasaan ba ako?! Ganito na ba kayaman si Hershey ngayon?(nakita si Hershey at napasigaw) HERSHEY!!! Happy debut!
Nagulat ang mga tao… at natigil sa pagsasayaw… sinabi naman agad ni Hershey na kasama si Janella sa listahan ng ball princesses.. kayat pinasayaw ng hari at reyna ang kanilang anak!
Reyna Christine: Maganda siya. Gusto ko siya para a iyo anak… sayawan mo siya!
Jian: Ano?! Ayoko nga sa iskandalosa!
Haring Edward: Jian… sundin mo na ang iyong ina… isayaw mo siya at tanungin kung ano ang kanyang pangalan…
Jian: masusunod mahal na Hari…
Paglapit niya kay Janella… agad nitong hinawakan ang kaway a inilagay sa balikat kung kayat ganun na lng ang gulat ni Janella…
Janella: Ha… Bastos ka ha… (sinipa si Jian sa tuhod) ayan ang dapat sa’yo!
Jian: ha?! Ikaw na naman?!
Labels: The Royal Punishment