3:17 AM
Sunday, October 7, 2007
Kung Iisipin Lang Naman
I.
Tayong mga Pinoy, mahilig mangarap,
Pangarap dito pangarap doon, walang katapusan
Ngunit ang mithiin, kaiba nga ba sa pangarap?
II.
Nangangarap tayong maging mayaman,
Nangangarap tayong, maging mahal ng minamahal
Mithiin nating, may tapat na pamahalaan,
Mithiin nating may trabahong nakaabang
III.
Hay! Naku naman! Parehas lang pala,
Pwedeng maging mithiin, ang maging mayaman,
Ang trabahong nakaabang, maging pangarap naman
Ngunit hindi ito ang aking pinupunto, ang aking pinupunto ito, pag-aralan n’yo
IV.
Sari-saring mithiin, tapat na pamahalaan,
Maayos na kapaligiran, maunlad nakabuhayan,
Mithiin, pangarap
Ano nga ba’ng kasagutan?
V.
Iisa lang ang paraan, tayong mamamayan,
Maayos na kapaligiran, tayo’y magtulungan,
Maunlad na kabuhayan, bumagsak ma’y susuko na lang ba?
VI.
May isa pang paraan, ang ating pamahalaan,
Baka ‘di natin alam, tayo’y ninanakawan,
Kaya tayong mamamayan, welga nag paraan,
Lagging isinisigaw,”TAPAT na Pamahalaan!”
VII.
Kung iisipin lang naman, tayo’y katawa-tawa,
Sa paningin ng iba, tayo’y hindi nakakakita,
Hindi nakikita, ang tanging kasagutan,
Sa ating problema, tayo lang naman
Labels: My Poems
I am Allyza Kibranza E. Crisostomo, the owner of this blog. I have decided to move on
http://asukal-rienee.pink-posh.net, please visit my blog and i'm waiting for link exchange.
SEVERUS SNAPE ROCKS!
get the idea? have fun!
♥ DancingSheep